Lust,game,and nudity

Sunday, August 9, 2009

Lihim Na Pagnanasa

This is a true story. In fact, pangalan lang ng characters ang binago ko rito. Kaya kung may makabasa nito na close friends ko, malalaman nila kaagad na ako ang nagsulat nito. Ngayon lang ako sumulat sa KK. Wala pa kasing isang buwan since I started visiting this site. Spoiler alert: this is not a sex story. Let's just say na it's a confession of unrequited lust (love?), sort of – not exactly unrequited dahil 'di naman ako nagtatapat.

Magtatago na lang ako sa pangalang Andy. Matagal na akong nagtatrabaho sa isang medium-sized publishing company at mataas na ang posisyon ko rito. Sa tinagal-tagal ko sa kumpanya, marami na akong naging kaibigan. Karamihan sa kanila ay close friends ko kahit na lumipat na sila sa ibang kumpanya o kaya ay may sarili nang negosyo.

May isa akong grupo ng close friends na nabuo matapos naming magkakayayaan sa Sagada, Mountain Province. Kasama sa kanila si Mark. Bunsong kapatid siya ng may-ari ng kumpanya at isang sales agent ng kumpanya. Noong una ay nayayabangan ako sa kanya. Para kasing si Robin Padilla kung umasta: palaging naka-chin up, breast out, at may swagger sa paglalakad, pero hindi naman sakang tulad ni Binoe, he he he.

Halos magkasingtangkad kami ni Mark - 5'7" siya at 5'6" naman ako. Hindi rin nagkalalayo ang aming edad – mas matanda lang siya sa akin ng exactly 8 months. We're in our early 30s and are both cute. Pareho ring maganda ang aming pangangatawan. Nakakainggit nga lang siya dahil hindi siya regular na naggi-gym pero flat na flat ang abs niya. Sabi niya, nasa lahi daw nila, which is true dahil slim nga lahat silang magkakapatid.

Tulad nga ng nasabi ko kanina, nayayabangan ako sa kanya noong una. Madalas din siyang makipag-flirt sa iba't ibang babaeng officemates namin. Kaya hindi ko siya masyadong pinapansin. Pero nagbago ito nang magpunta kami sa Sagada.

Sumama ako sa Sagada dahil may close friends ako at may close friends din siya sa grupo. There were 11 of us: 6 lalaki at 5 babae. Naging close kaming lahat after that trip.

Isa sa mga pinaka-close sa akin hanggang ngayon itong si Mark. Maalalahanin kasi siya. Una ko itong nalaman sa Sagada. Siya ang nag-alok sa akin na sa room na lang nila ni Eloy ako matulog. Hindi pa kasi ako close noon sa mga lalaki, dun pa lang sa ilang babae.

After Sagada, nagpunta kami sa Baguio. Doon naman ay inalok niya ang kanyang tulugan sa akin. Babagal-bagal kasi ako sa pagpili ng mahihigaan, ayun, nawalan tuloy ako ng kama. Ang nangyari, nagtabi na lang kami.

After that, nabuo na ang barkada. Lalo na sa aming mga lalaki, nag-iinuman kami once or twice a week. Tuwing summer naman ay may isa o dalawang lakad ang buong barkada: Puerto Galera, Anilao, Matabungkay, Subic, Coron, Donsol, Hundred Islands, San Jose (Occidental Mindoro), Boracay, Laiya, Romblon, Cebu, Bohol, and Apo Reef. From these trips, you would learn na more than 10 years na kaming magkakaibigan.

Nadevelop ako kay Mark through those trips. Siya kasi ang pinakamaalalahanin at pinaka-sensible kausap sa mga barkada kong lalaki. Iyung iba, puro kotse ang madalas gustong pag-usapan. Itong si Mark naman, kahit ano puwede mong ikuwento sa kanya. Nagkukuwento rin siya ng kung anu-ano. Pagkatapos, kapag lasing na lasing ako sa inuman namin, siya ang nagda-drive sa akin pauwi.

Wala akong nararamdaman sa kanya noong una. Bisexual ako at sa isang girl dun sa grupo namin ako unang nagkaroon ng pagnanasa. Paano ba naman, nung first time na nagswimming kami sa Puerto Galera, napatuwad si Ria nung paakyat sa bangka habang nasa likod niya ako. Kaya ayun bumakat ang swimsuit niya dun sa may crotch at naaninag ko nang malapitan ang langit, he he he. 'Di na tuloy siya maalis sa isip ko.

In contrast, unti-unti akong nadevelop kay Ronie. Nagsimula iyon sa Sagada. Nadagdagan pa ito nang magpunta kami sa Matabungkay at inaya niya akong sabay maligo pagkatapos naming mag-swimming. Pero nagkakahiyaan pa kaya naligo kami nang naka-brief. Doon ka natiyak na matambok ang kanyang harapan, katulad ko, he he he. (May ilang guys and gays na ngang humipo sa hinaharap ko dahil ang tambok daw, he he he.) Kami rin ang magkatabi sa higaan, on his suggestion.

Sumunod dun ang pagpunta namin sa kanilang bayan sa Oriental Mindoro after nag-outing ang kumpanya sa Puerto Galera. From Puerto Galera, nag-stay kami ng one night sa kanilang bayan dahil kasama namin si boss, na kapatid nga niya. Nagkasya kaming lahat sa bahay nila dahil malaki ito. May stage pa nga sa bakuran nila kung saan naka-set up ang mga instrumento (guitars, drums, speakers, etc.) para sa sinumang bandang gustong tumugtog. Enjoy dahil magaling akong kumanta at maggitara (hindi sa pagmamayabang, he he he) at magaling naman siyang mag-drums at kumanta.

Kinagabihan ng second day, ayaw ni Mark na sumabay ng pag-uwi sa Manila sa iba naming kasamahan dahil masikip na raw ang mga sasakyan. Oo nga naman, sabi ko. So niyaya niya akong mag-stay ng isa pang gabi sa kanila. Nagpaiwan nga kaming dalawa at uminom na lang ng red horse habang nagkukuwentuhan. Pagkatapos ay sa kuwarto niya kami natulog. (Ibang kuwarto ang tinulugan ko during the first night.) Pero walang nangyari sa amin, marahil ay dahil sa sobrang kalasingan. Marahil din ay dahil talagang torpe ako.

Nang magpunta naman kami sa Romblon at naligo sa isang falls, napansin kong nakatingin siya sa butt ko at napapakagat-labi siya. Naka-board shorts lang ako noon habang naliligo at bakat ang butt ko dun sa basang shorts. Hindi sa pagmamayabang, pero marami na ang nanggigil sa puwet ko, babae man o lalaki. I'm also proud of my pecs, which, like my butt, are firm and well-defined dahil sa regular kong pagwo-workout sa bahay. (I have my own gym equipment at home.) Nevertheless, hanggang tingin lang ang nangyari sa amin ni Mark kahit palagi kaming magkasama sa kuwarto on our out-of-town trips.

Ngayon ay patuloy akong nagnanasa sa kanya. Patuloy rin akong nagnanasa kay Ria. Ang nakakatawa, sila ngayon ang closest friends ko. Sabi pa nga ni Mark, most probably daw ay kami ni Ria ang magkakatuluyan paglaon. Single pa rin kasi si Ria. Sabi niya, parang natatakot ang guys na lapitan siya. Paano ba naman, achiever siya: she graduated cum laude from UP Diliman (just like me, he he he).

Si Mark naman ay may asawa't anak na. Several months back, ginawa niya akong ninong ng kanyang anak. Ito namang si Ria, palagi akong ini-invite na mag-judge sa quiz bee ng school niya. Nagtayo kasi siya ng isang pre-school sa kanilang lugar sa Pasay. Samantala, si Mark ay nagtayo ng sarili niyang printing business malapit sa bahay namin dito sa Quezon City, kaya lalong napapadalas ang aming pagkikita, sa office man niya o sa aming bahay.

Pero dahil likas na torpe, 'di ako pumapatol kay Mark o kay Ria. Ayoko rin kasing magtangka, baka masira ang maganda naming samahan. Mas pipiliin ko ang pangmatagalang pagkakaibigan kaysa panandaliang init ng katawan.

Note:
This story is still evolving. Hindi pa ako magsasabi ng tapos dahil maaari pa ring may mangyari sa amin ni Mark or Ria. Pero the first move would have to come from either of the two, kung baga ay magpapaanod na lang ako sa daloy ng tubig.
I'll post new developments as soon as they come. Until then...

No comments:

Post a Comment